Pumapalo na sa pitong barangay sa Kabacan, North Cotabato ang isinailalim sa state of calamity dahil sa pagtaas ng tubig baha.
Kasunod na rin ito nang tuluy-tuloy na malakas na buhos ng ulan sa North Cotabato.
Mahigit 3,000 pamilya ang kaagad inilikas matapos tumaas ang antas ng tubig at naapektuhan ang mga nakatira sa mabababang lugar.
—-