Isinailalim sa strict general community quarantine (GCQ) ang pitong barangay sa bayan ng Sta. Cruz, Laguna, matapos na tumaas ang bilang ng COVID-19 cases doon.
Ayon sa Sta. Cruz LGU, kabilang sa mga barangay na ito ang Bagumbayan, Calios, Duhat, Pagsawitan, Patimbao, San Juan, Santo Angel Central.
Nakatakda namang magpatupad ang lokal na pamahalaan ng Sta. Cruz ng mandatory swab tests sa mga barangay na ito alinsunod sa strict general community quarantine.
Base sa datus ng LGU, umabot na sa 167 ang kanilang confirmed cases kung saan 49 sa mga ito ang nananatiling aktibo.
Tatlong araw namang isinailalim sa lockdown ang pamilihang bayan ng Sta. Cruz makaraang magpositibo sa COVID-19 ang dalawang stall owners nito.
Sa kasalukuyan nasa modified GCQ ang buong lalawigan ng Laguna.