Nagpositibo sa COVID-19 ang pitong bata sa Virac Town sa Catanduanes matapos paglaruan ang medical waste na itinapon sa bisinidad ng kanilang barangay.
Ayon sa mga otoridad, naglalaro sa 3 hanggang 11 ang edad ng mga bata na pinaglaruan ang mga syringes na itinapon sa baybayin ng barangay Concepcion.
Ang isa namang babae na sumaway sa mga bata ay nagpositibo rin sa COVID-19.
Agad na isinailalim sa isolation ang mga bata at nakatakdang isailalim sa RT-PCR testing sa Lunes.
Inako naman ng isang laboratoryo ang nangyari ang humingi na paumanhin sa council ng barangay. —sa panulat ni Abby Malanday