Sampung araw bago ang halalan sa Mayo 9, pitong bayan sa Pangasinan ang isinailalim sa “orange category” dahil sa mga nagdaang election-related incidents at matinding political rivalry.
Tinukoy ni Pangasinan Police Provincial Office Director, Col. Richmond Tadina ang mga bayang inilagay sa orange category ay ang Urbiztondo, Sual, Sto. Tomas, Bolinao, Calasiao, Rosales at Sison.
Inilagay din aniya ng Commission on Elections En Banc sa “yellow category” ang 41 bayan at lungsod.
Ang yellow category ay tumutukoy sa mga lugar na nakapagtala ng mga election-related violence o mayroong matinding partisan political rivalry na hindi naman nilalahukan ng mga domestic terror groups.
Magtatalaga naman ng dalawang pulis kada voting center sa mismong araw ng halalan.
Matatandaang nai-deliver na ang mga vote counting machine sa Urdaneta at Dagupan cities at provincial hubs sa Pangasinan at hinihinatay na lamang dumating ang mga official ballot.