Tuluyan nang ipinasara ng Croatia ang 7 border crossing nito sa Serbia matapos bumaha ang mga migrants at refugees sa nasabing bansa.
Sa pinakahuling tala, umaabot na sa 11,000 migrants mula Serbia ang pumasok sa Croatia sa loob lamang ng 2 araw.
Una nang inanunsyo ng Croatia na papayagan ang mga refugees na makadaan patungo sa iba pang European Union Nations.
Pero, sinabi ni Croatian Prime Minister Zoran Milanovic na limitado ang resources ng bansa para sa naturang krisis.
Bunsod nito, libu-libong migrants ang stranded ngayon sa mga railway stations.
By: Meann Tanbio