Naglatag ng tinaguriang 7 commandments ang isang grupo ng medical experts para mapanatiling ligtas kontra COVID-19 ang mga sasakyan ng pampublikong transportasyon.
Ayon sa grupong pinangungunahan ni dating Health Secretary Manuel Dayrit para matiyak ang kaligtasan kontra virus ng mga pasahero sa public transportation dapat magsuot ng anti-virus masks, face shield, huwag magsasalita, huwag kumain, tiyakin ang sapat na ventilation o hangin.
Bukod pa ito sa madalas na pag-disinfect, walang symptomatic passengers at maging vigilant sa tamang physical distancing na maaaring mas mababa sa isang metro.
Kabilang sa grupo ni Dayrit sina UP Manila College of Public Health Dean Dr. Vicente Belizario, Jr. Dating Undersecretary at Government Adviser Dr. Teodoro Herbosa, UP Manila Environmental and Occupational Health Department Chair Dr. Michael Hernandez.
Pasok din sa grupo ni Dayrit sina Philippine College of Surgeons Cancer Commission Director Dr. Manuel Francisco Roxas, dating Health Secretary Dr. Esperanza Cabral, Founder at CEO ng EY Bank Foundation of the Philippines Dr. Maria Dominga Padilla at Infectious Disease Specialist Dr. Rontgene Solante.