Patay ang pitong pasyenteng may COVID-19 matapos maubusan ng supply ng oxygen ang isa sa mga pinakamalaking ospital sa lungsod ng Peshawar sa Pakistan.
Paliwanag naman ni Farhad Khan, tagapagsalita ng Khyber Teaching Hospital, pumanaw ang kanilang mga pasyente dahil hindi nakapag-deliver ng medical oxygen ang kanilang supplier.
Pinaiimbestigahan na ng Provincial Health Minister ang pangyayari habang inatasan din ang board of governors ng ospital na magpaliwanag at gumawa ng aksiyon sa loob ng dalawang araw.
Sinasabing umakyat na sa 416,500 ang bilang ng mga dinapuan ng coronavirus sa Pakistan habang mahigit walong libo naman ang mga nasawi.