Bumaba sa 29 percent ang 7-day average ng Covid-19 cases ng bansa ayon sa OCTA Research.
Sinabi ni Dr. Guido David ng OCTA na bagama’t naitala ang 12,159 na Covid cases noong October 3, hindi naman dapat itong ika-alarma.
Ani Guido, naging tuloy-tuloy pa rin ang pagbaba ng kaso sa loob ng 7 araw hanggang sa average na mahigit 10,000.
Gayunman, ayon kay Guido ilang lugar pa rin sa Northern Luzon at Western Mindanao ang nanatiling nakakaranas ng pagtaas ng kaso ng Covid-19.