Bumaba sa 3, 044 mula sa dating 5,561 ang seven day average ng COVID-19 cases sa National Capital Region (NCR).
Ayon ito kay Dr. Michael Tee, fellow ng OCTA Research Group matapos aniyang bumaba pa sa .77 mula sa .88 ang reproduction number ng COVID-19 cases sa Metro Manila.
Kasunod na rin ito aniya nang pagbaba ng bilang ng mga kamang okupado ng COVID-19 patients sa mga ospital sa kalakhang Maynila o mula sa 30 ay naging 15 na lamang.
Ipinabatid pa ni Tee na 55% na lamang okupado ngayon ang 60 NCR hospitals kumpara sa 70% bed occupancy nuong nakalipas na linggo.
Sinabi ni Tee na tiwala silang patuloy na bababa ang kaso ng COVID-19 para mapag aralan ang pag-adjust sa community quarantine status sa NCR.