Asahan na ang pagbabalik sa face-to-face work ni Pangulong Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr. ngayong araw matapos makumpleto ang 7-day isolation period.
Una nang inihayag ni Dr. Samuel Zacate, lead physician ni Pangulong Marcos na kung walang re-appearance ng anumang sintomas ng Covid-19 ay maaari nang i-release si PBBM mula sa isolation.
Nito lamang miyerkules ay sinabi ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na natapos na ng punong ehekutibo ang lahat ng medication nito.
Batay anya sa pagsusuri ni Dr. Zacate ay handa nang bumalik si Pangulong Marcos sa gitna ng sangkaterbang trabahong naghihintay sa kanya at kahit naman noong naka-isolate hindi ito napigilang maglingkod sa bayan.