Bahagyang tumaas ang naitalang 7-day positivity rate sa National Capital Region (NCR).
Batay sa inilabas na datos ni OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mula sa 17.5% noong nakalipas na linggo, umabot sa 18.9% ang positivity rate sa rehiyon nitong September 28.
Bumulusok naman sa 1.10 ang reproduction number sa Metro Manila, mula sa naitalang 1.28 noong September 19.
Ayon kay David, bagmat bumagal aniya ang pagdami ng bagong infections, ay tumataas pa rin ang mga kaso.
Nakapagtala naman ang NCR ng Average Daily Attack Rate (ADAR) na 7.42 sa kada 100,000 populasyon, na itinuturing na moderate.
Sa kabila nito, mababa pa rin ang healthcare utilization rate sa Metro Manila na nasa 35% habang nasa 29% ang ICU occupancy.