Pursigido si Labor Secretary Silvestre Bello III na isulong sa Inter-Agency Task Force na bawasan ang quarantine period para sa mga bakunadong overseas Filipino workers.
Sinabi ni Bello na dapat gawing pitong araw na lamang ang quarantine period taliwas sa panuntunan ngayon na 10 araw kung saan isasailalim sa swab test ang mga OFW sa ika-pitong araw at pag-home quarantine sa mga ito ng apat na araw.
Una nang pinayagan ng IATF ang 7-day quarantine sa mga bakunadong biyahero ngunit hindi kabilang rito ang mga OFW. —sa panulat ni Hyacinth Ludivico