Inirekomenda ng World Health Orgnization (WHO) na paikliin ang quarantine period ng mga indibidwal na na-expose sa COVID-19.
Sa bago nitong guidelines, ang mga nag negatibo sa virus ay maaaring mag-quarantine na lamang ng pitong araw basta’t walang sintomas.
Maaari ding gawing 10 araw na lamang ang quarantine period kahit na hindi sumailalim sa COVID-19 test.
Ayon sa WHO, makakatulong ang bagong guidelines sa mga lugar na mahina ang essential services.