Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang 7 drug personalities matapos mahuli sa ikinasang drug buy-bust operation ng mga otoridad sa Valenzuela City.
Kinilala ang mga suspek na sina, Aldrin Pablo, 29-anyos; Julius Alaan, 43-anyos; Mario Luis Buncio III, 31-anyos; Gemar Senillo, 29-anyos; John Loteriña, 47-anyos; Ruby Loteriña, 36-anyos; at Lorens Rey Silvaña, 24-anyos na nakuhanan ng labing pitong gramo ng shabu na may standard drug price na P115,600 kasama ng P1000 marked money, P1,050 cash money at tatlong cellphone at coin purse.
Bukod pa diyan, narekober din sa mga suspek ang nasa 5 gramo pa ng shabu na tinatayang nasa P34,000 ang halaga, buy bust money, coin purse at cellphone.
Nakakulong na ngayon ang mga suspek na nahaharap sa patong-patong na kaso. —sa panulat ni Angelica Doctolero