Hinatulan ng lifetime imprisonment ang 7 illegal drug traffickers.
Ang mga akusado na sina Jerome Presidente at Roben Duran ay pinatawan ng Panabo City RTC Branch 34 ng habambuhay na pagkakakulong at pinagbabayad ng Kalahating Milyong Piso para sa pagbebenta ng marijuana sa isang buy bust operation noong 2011 at 2013.
Bukod sa life imprisonment na ipinataw kay Presidente, sinentensyahan din ito ng 12 hanggang 13 taong pagkakabilanggo at multang 300 Thousand Pesos dahil sa illegal possession ng marijuana.
Hinatulan din ng nasabing hukuman ang isa pang drug trafficker na si Pedro Cabañas Jr. ng 12 hanggang 13 taong pagkakakulong at pinagbabayad na 300 Thousand Pesos para sa illegal possession ng Shabu, at habambuhay na pagkakabilanggo at multa na Kalahating Milyong Piso para sa pagbebenta ng illegal na droga sa isang buy bust noong 2014.
Pinatawan din si Ranil Bentulan ng 14 to 17 years na kulong at multang 300 Thousand Pesos dahil sa illegal possession ng marijuana.
Samantala, pinatawan naman ng Dumaguete City RTC Branch 30 sina Michael Sanico Marlon Garcia at Maria Mirasol Ragay ng lifetime imprisonment at multang 500 Thousand Pesos dahil sa pagbebenta ng shabu noong 2014.
By: Meann Tanbio