Umaabot sa 7 ektaryang gulayan sa Dumaguete City ang nangalanta dahil sa epekto ng El Niño phenomenon.
Kabilang sa mga nalantang mga pananim na gulay ay ampalaya at kamatis, gayundin ang taniman ng mais.
Nabatid na malaking bahagi ng nabanggit na pitong ektaryang gulayan ay walang irigasyon.
Base sa pagtaya ng City Agriculture Office, aabot sa 1 milyong piso ang halaga ng pinsala bunsod ng tagtuyot.
By Meann Tanbio