Umaabot sa P277-M ang nagastos sa pitong foreign trips ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Ipinabatid ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kabilang sa mga binisita ng Pangulo noong nakalipas na taon ay ang Laos, Indonesia, Vietnam, Brunei, China, Japan, Thailand, Malaysia, Peru, New Zealand, Cambodia at Singapore.
Sinabi ni Abella na sa naging pagbisita ni Pangulong Duterte sa China, aabot sa apat na bilyong dolyar ang nakuhang investment at nakapag-generate ng 100,000 trabaho mula sa pinasok na 20 kasunduan.
Bukod dito, ipinabatid ni Abella na sa pagpunta naman ng Pangulo sa Japan, 1.85 billion US dollars ang investment commitment at inaasahang makalilikha ito ng 250,000 trabaho, bukod pa sa limang government-to-government agreements.
By Meann Tanbio