Inaresto ang 7 indibidwal na hinihinalang sangkot sa iligal na droga matapos ang ikinasang buy bust operation sa bataan.
Kinilala ang mga suspek na sina Allan Leoveras, 44, isang security guard at live-in partner nito na si Annalyn Sabinorio, 37, Raymundo Malinao, 38, Armando Timblique, Francisco Timblique, 33, Mary Ann Mahinay, 24 at Joey Gulia, 30.
Nakuha ng mga otoridad ang 9 na piraso ng maliit na plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu, drug paraphernalia at mga armas.
Nahaharap ang mga naturang suspek sa paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Act.