Nakapuga mula sa Davao Oriental Provincial Jail sa Mati City ang pitong inmates.
Ayon sa Mati City PNP, nangyari ang pagtakas sa tulong umano ng 25 indibidwal na hinihinalang mga miyembro ng Pinatikan Religious Cult.
Sa imbestigasyon, pinasok ng mga armadong kasapi ng kulto ang correctional facility para sagipin ang kanila umanong lider na kinilalang si Cornelio Galon III kung saan isa sa mga ito ang napatay.
Maliban kay Galon, nakatakas din ang iba pang mga preso na sina Dominador Lintuan, Arjowe Lintuan, Ranjay Baluro, Inabitan Ismadi, Laudeco Lintuan, at Sugaan Gil.
Nagsasagawa na ngayon ng hot pursuit operation ang puwersa ng militar at pulisya para sa agarang ikadarakip ng mga naturang inmates.