Pito sa mga kandidato sa pagkabise-presidente ang nagkumpirma na dadalo para sa Commission on Elections’ Pilipinas Debates na ikakasa naman sa Marso a-20 kabilang na dito sina:
- Professor Walden Bello
- Rizalito David
- Manny Lopez
- Willie Ong
- Senator Francis Pangilinan
- Carlos Serapio
- Senate president Vicente Sotto III
Samantala, ang running mate naman ni Sen. Pacquiao na si Buhay Party-List Representative Lito Atienza, ay nag-anunsiyo na hindi makadadalo sa debate dahil sa medical condition.
Sa ngayon, hinihintay pa rin ng komisyon ang desisyon naman ng vice presidential bet ni Marcos na si Davao City Mayor Sara Duterte-Carpio kung dadalo ito o hindi sa debate. – sa panulat ni Angelica Doctolero