Dalawang oras na hindi nakalabas o na-trapped sa loob ng elevator sa isang hotel sa Barangay Pajo, Lapu-Lapu City sa Cebu ang pitong indibidwal matapos magka-aberya ang sinasakyan nitong elevator.
Ayon kay Bureau of Fire Protection Responder FO3 Alvin Villabin sa kanilang paunang imbestigasyon ala-7 pa ng gabi nang matrap ang mga indibidwal at alas-9 na ng gabi nakalabas ang mga ito at wala namang nasaktan.
Upang mabuksan ng elevator gumamit ng hydraulics at pwersahang binuksan dahil ang mismong maintenance ng elevator ay hindi rin ito mabuksan.
Habang iniimbestigahan pa ng mga otoridad ang tunay na sanhi ng insidente.