Pitong katao ang nasawi habang tatlumput tatlo ang sugatan sa 27 insidenteng naitala ng DEPARTMENt of the Interior and Local Government unit (DILG) noong Mayo 9.
Nasa 11 insidente ng pamamaril at pananakit ang naiulat sa Albay, Negros Oriental, Cotabato City, Maguindanao, Lanao Del Sur, Basilan, at Zamboanga Del Norte.
Tatlong pagsabog ng granada naman ang naitala sa Maguindanao at Cotabato, habang dalawang insidente ng strafing ang naiulat sa Basilan.
Samantala, apat na insidente ng kaguluhan ang naiulat sa Maguindanao, Camarines Sur, Lanao, at Tawi-Tawi.
Dalawang ballot snatching incident ang nangyari sa Lanao Del Sur at Basilan, habang tatlong insidente ng hindi awtorisadong mga tao na pumarada sa mga polling precinct ang naiulat din sa Batangas, Maguindanao, at Abra.
Bukod dito, dalawang insidente rin ng pagkasira ng vote-counting machines ang naiulat sa Lanao Del Sur.
Ayon kay año, anim lamang sa 27 naiulat na insidente sa araw ng halalan ang hinihinalang may kinalaman sa eleksyon.