Pito katao ang patay habang kritikal ang limang iba pa matapos na ma- overdose ng iligal na droga sa isang electronic dance music festival sa Hanoi, Vietnam.
Ayon sa ulat, nasa edad 18 hanggang 30-anyos ang mga nabiktima sa itinuturing na pinakagrabeng drug-related incident sa naturang bansa.
Nag-positibo sa hindi tinukoy na iligal na droga ang mga biktima.
Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng mga awtoridad sa insidente.
—-