Patay ang pitong indibidwal sa tumitinding kilos protesta sa Lima, Peru, sa loob lamang ng isang araw.
Ito’y matapos manawagan ang mga protestante ng ‘general elections’.
Nakaraang linggo, nanumpa na si Pangulong Dina Boluarte bilang pangulo ng Peru matapos sibakin ng kongreso ang dating pangulo na si Pedro Castillo.
Inaresto si Castillo dahil sa pagtatangkang buwagin ang lehislatura upang mapigilan ang impeachment vote laban sa kanya. – sa panulat ni Jenn Patrolla