Pito katao ang pinigil ng pinagsanib pwersa ng BI at ISAFP sa NAIA Terminal 3 matapos madiskubreng apat sa mga ito ay may apelyidong Maute.
Pasakay na sana ang mga ito sa eroplano ng Cebu Pacific na patungong Kuala Lumpur, Malaysia.
Matapos ang pagtatanong sa kanila, pinayagan nang makalabas ng bansa ang tatlong (3) hindi nagtataglay ng apelyidong Maute habang dinala naman sa Camp Aguinaldo ang apat (4) para sa tactical interrogation.
By Krista De Dios | Story from Raoul Esperas