Idineklara nang bird flu free ng Department of Agriculture (DA) ang pitong kilometrong radius quarantine zone sa bayan ng San Luis, lalawigan ng Pampanga.
Ito’y ayon sa DA ay kasunod ng ilang linggong obserbasyon ng kanilang mga tauhan upang bantayan kung mayroon pang presensya ng H5 – N6 avian influenza sa lugar.
Gayunman, tuluy-tuloy pa rin ang pagbabantay ng DA sa Pampanga at Nueva Ecija na una nang naapektuhan ng avian influenza sa isang kilometrong quarantine zone kung saan, libu-libong ibon tulad ng manok, pugo, itik at iba pa ang nasawi at pinatay.
Magugunitang inalis na rin ng DA ang ban sa pagbibiyahe ng poultry products noong Agosto 22 mula sa Luzon patungong Visayas at Mindanao.
Poultry farms na pinagmulan ng avian influenza H5 – N6 sa Pampanga at Nueva Ecija hindi na kakasuhan
Hindi na magsasampa ng kaso ang Department of Agriculture (DA0 laban sa poultry farms na pinagmulan ng sakit na avian influenza H5 – N6 sa mga lalawigan ng Pampanga at Nueva Ecija.
Ayon kay Agriculture Secretary Manny Piñol, ayaw na niyang dumagdag pa sa paghihirap ng mga nasa sektor ng pagmamanukan lalo’t lugmok sila sa epekto ng naturang sakit.
Giit ng kalihim, magslbing aral na lamang aniya ito para sa lahat na hindi dapat ipagsawalang bahala ang anumang simpleng sakit na dumadapo sa mga alagang manok.
Mahalaga aniya ang pagtutulungan sa pagitan ng mga nasa poultry sector at ng pamahalaan upang maagapan ang anumang banta sa kalusugan ng kanilang mga alaga para hindi na ito maging mitsa ng mas malalang epekto tulad ng pagkalugi.