Nahaharap sa kasong tax evasion ang pitong korporasyon at mga negosyante.
Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), aabot sa P825-milyon ang hindi nabayarang buwis ng pitong korporasyon para sa mga taong 2008, 2010, 2011 at 2012.
Pinakamalaki sa hinahabol ng BIR ay ang utang sa buwis ng meat dealer at trader na si Donato Pe Benito Bautista na mahigit P69-milyon.
Kabilang sa inireklamo ng paglabag sa tax code ang Body Needs & Basic, Inc. Corporation, Firotech Fire Protection, Inc., Cristimar Corporation, Fourthwave Global, Inc., Asiatech Construction & Industrial Corporation, at negosyanteng si Igna Garrovillas Francisco.
Kasama rin sa mga kinasuhan ang mga opisyal ng mga korporasyon.