Nakapagtala ng ”very high” COVID-19 positivity rate ang pitong lalawigan sa bansa.
Partikular na tinukoy ng OCTA Research Group ang Camarines Sur na nakapagtala ng 46.2% na positivity rate;
Sinundan ng Cavite, 22.6%; Laguna, 22.2%; rizal, 21.2%; South Cotabato, 26.2%; Tarlac, 51.8% at Zambales, 33.6%.
Samantala, bumaba naman sa 15% ang positivity rate sa Metro Manila nitong October 11, mula sa naitalang 17.9% noong October 8.
Ang positivity rate ay porsyento ng mga indibidwal na nagpopositibo sa sakit mula sa kabuuang bilang ng mga sumailalim sa COVID-19 testing.