Pitong lalawigan sa bansa ang nakapagtala ng mataas na COVID-19 one-week growth rate na lumampas sa100%.
Ayon kay OCTA Research Fellow Doctor Guido David, kabilang dito ang Davao Del Sur na may 308% COVID-19 one-week growth rate, 307% sa Ifugao, 234% sa Apayao, 226% sa Mountain Province, 177% sa Cebu, 139% sa Iloilo at 108% sa Ilocos Norte.
Habang ang COVID-19 growth rate sa Metro Manila ay patuloy na bumaba sa -42% noong January 22 at -50% ngayong araw kabilang ang mga probinsya ng Bulacan at Rizal na nakapagtala ng -41% at -16% sa Cavite.
Samantala, tanging ang lalawigan ng Benguet ang may mataas na Average Daily Attack Rate (ADAR) na nasa 101.48.
Ang adar ay bilang ng mga bagong kaso ng COVID-19 sa kada 100K indibidwal. -sa panulat ni Airiam Sancho