Nakapagtala ang pitong lalawigan sa bansa ng “very high” COVID-19 positivity rate noong nakalipas na linggo.
Ayon kay OCTA Research Fellow Dr. Guido David, mahigit 20% positivity rate ang naiulat noong October 15 sa Camarines Sur na may 46.2%, Tarlac na may 41.6%, South Cotabato na may 26.9%, 22.8% naman sa Cavite, 22.1% sa Rizal, 22% sa Zambales at 21% sa Laguna.
Samantala, bumaba sa 15% mula sa 17.9% noong October 8 ang positivity rate sa Metro Manila.