Nakapagtala ng pinakamataas na heat index ang pitong lugar sa bansa kung saan, umabot na ito sa “danger level.”
Ayon sa PAGASA, naitala ang pinakamainit na panahon sa mga lalawigan kahapon kabilang na ang Legazpi City, Albay na nasa 46℃; Ambulong, Tanauan, Batangas at Dagupan City, Pangasinan na parehong nasa 43℃;
Naitala naman ang 42℃ sa Davao City, Davao Del Sur; Iba, Zambales; Masbate City, Masbate; at Ninoy Aquino International Airport sa Pasay City.
Ayon pa sa PAGASA, ang heat index ay ang pagsukat kung gaano kainit ang nararamdaman kapag ang “humidity” Ay isinasama sa aktwal na temperatura ng hangin.
Sinabi ng PAGASA na maaaring mailagay sa “danger level” Ang heat index na mula 42°c hanggang 51°c dahil posibleng maranasan ang “heat cramps” At “heat exhaustion.”
Matatandaang nito lamang Marso-a-primero, naitala ng pagasa ang pinakamataas na heat index ngayong taon na umabot sa 48°c sa Butuan City, Agusan Del Norte.
Pinayuhan naman ng PAGASA ang publiko na manatiling hydrated at uminom ng walong baso hanggang dalawang litro ng tubig kada araw upang maiwasan ang anumang uri ng sakit bunsod ng mainit na panahon.