Sinimulan na ng pamahalaan ng Moscow ang pamamahagi ng COVID-19 vaccine na Sputnik V sa 70 clinic nito kung saan may pagsipa ng kaso ng COVID-19.
Nais ng Moscow na mabakunahan ang 7-M mamamayan nito matapos tumaas ang kaso ng COVID-19 sa Russia nitong linggo.
Ayon kay Mayor Sergei Sobyanin sa panayam ng TV Rossiya -1 target ng pamahalaan na mabakunahan ang 6-7 milyong tao.
Tinatayang 2,460,770 na ang kabuuang naitalang kaso ng COVID-19 sa Russia samantalang lumubo na sa 43,141 ang bilang ng mga nasawi dulot ng naturang virus.— sa panulat ni Agustina Nolasco