Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang pitong manlalaro ng Women’s National Basketball Association (WNBA).
Ayon sa pamunuan ng WNBA, sa kabuuang 137 na mga manlalaro nila na sumailalim sa COVID-19 testing, pito ang nagpositibo rito.
Ang naturang COVID-19 testing, ay isinagawa noong 28 ng Hunyo hanggang nitong 5 ng Hulyo, bilang bahagi sa nalalapit na pagbubukas ng liga sa susunod na buwan.
Kasunod nito, ang lahat ng mga manlalaro na nagpositibo sa nakamamatay na virus ay agad na inihaiwalay sa ibang mga manlalaro para maiwasan ang pagkalat ng virus.
Bukod pa rito, inaasahan naman ang pagdating ng 11 sa 12 koponan ng WNBA sa IMG academy sa Bradenton sa Florida para magsibing single site para sa training camp, games at housing.
Samantala, pagkatapos pa ng limang araw susunod ang mga manlalaro ng Indiana dahil nagkatrangkaso ang dalawa sa kanilang miyembro.