Kinilala na ng US Navy ang pitong (7) marino ng USS Fitzgerald na nasawi matapos masalpok ng isang cargo ship ng Pilipinas sa Tokyo Bay Japan noong Sabado.
Tinukoy ang mga nasawi na sina Dakota Kyle Rigsby, Shingo Alexander Douglass, Ngoc Truong Huynh, Noe Hernandez, Carlosvictor Ganzon Sibayan, Xavier Alec Martin at Gary Leo Rehm Jr.
Ayon kay US Navy’s 7th Fleet Commander Vice Admiral Joseph Aucoin, halos lahat ng tripulante ng nasabing barko ay natutulog nang maganap ang banggaan.
Una nang iniulat na nakuha ang mga bangkay ng mga nasabing tripulante sa compartment ng barko na pinasok na ng tubig dagat.
By Krista De Dios