Isinuko sa Joint Task Force (JTF) Central ng mga opisyal ng barangay sa probinsya ng Cotabato ang pitong matataas na mga armas na kinabibilangan ng dalawang US carbine cal. 30 rifle, isang US cal. 30 m1 springfield rifle, dalawang M1 grand riffles at dalawang M1917 enfield rifles.
Ayon kay 90th Infanry Battalion Philippine Army Commanding Officer Lt. Col. Rommel Mundala, galing sa mga barangay ng Pamalian, Punol, Macasendeg, Damalasak, Kolambog, Silik at Pulangi Pikit Cotabato ang mga isinukong mga armas.
Pinasalamatan naman ng mga militar ang mga opisyal ng barangay sa personal na pagsurrender ng mga armas at sa kanilang suporta sa kampaniya ng gobyerno laban sa mga loose firearms. —sa panulat ni Angelica Doctolero