Pumalo na sa pitong alkalde ng Iloilo ang nagpositobo sa COVID-19.
Ayon sa Iloilo Provincial Health Department, ito’y sina Sta. Barbara Mayor Rema Somo; new Lucena Mayor Liecel Mondejar-Seville; Oton Mayor Carina Flores; Maasin Mayor Francis Amboy; Janiuay Mayor Bienvenido Margarico at iba pa.
Bukod dito, may ilang mga vice mayor din ng lalawigan ang nag-positibo sa COVID-19.
Sa huli, kapwa nanagawan sa kanilang mga nasasakupan ang mga opisyal na dinapuan ng COVID-19 na sumunod sa mandatory quarantine gayundin ang pagbabakuna para magkaroon anila ng karagdagang proteksyon pangontra sa banta ng virus at mga variants nito.