7 milyong tao ang namamatay kada taon dahil sa polusyon sa hangin.
Ito ang iniulat ni World Health Organization Director-General Margaret Chan sa U.N. Human Rights Council.
Ayon kay Chan, bukod dito’y libo-libong tao rin ang namamatay kada taon sanhi naman ng climate change.
Dahil dito, sinabi ni Chan na hindi maaaring hindi kumilos ang tao sa patuloy na pagdami ng mga nawawalang buhay bunsod ng tagtuyot, pagbaha, wildfires, at heat waves.
Higit umanong naaapektuhan ng pagbabago ng klima ang mga mahihirap na bansa dahil 70 porsiyento sa mga ito ay sa pagsasaka lamang nabubuhay o umaasa.
By: Jelbert Perdez