Naabot na ng bansa ang target na 7 milyong Pinoy na fully vaccinated na kontra COVID-19.
Batay sa pinakahuling ulat National Vaccination Operations Center, pumalo na sa 70,005,247 indibidwal o katumbas ng 77.78% target population ang nakatanggap na ng dalawang dose ng bakuna kontra COVID-19.
14,704,514 naman sa nasabing bilang ang nakapagpaturok na ng unang booster shot at 648,555 ang mayroon nang ikalawang booster dose.
Nabatid na ang mga senior citizen, medical frontliners, at immunocompromised adults o may cancer, human immunodeficiency virus/acquired immune deficiency syndrome, umiinom ng immunosuppressants, o organ transplant recipients ang maaari pa lamang tumanggap ng ikalawang booster shot.
Ikinagalak naman ng pamahalaan ang pag-abot sa target vaccinated population bago ang pagbaba ni Pangulong Rodrigp Duterte sa Hunyo 30.
Sa kabila nito, nanawagan pa rin ang gobyerno sa publiko na magpaturok na ng booster shot kung sila’y eligible bilang dagdag proteksyon.