Sumuko sa militar ang may pitong miyembro ng Abu Sayyaf Group sa Basilan.
Ayon kay Joint Task Force Zambasulta Commander Major General Gerardo Barrientos Junior, isinuko ng mga nagbabalik loob na rebelde ang kanilang mga matataas na uri ng armas.
Kinilala ang mga ito na sina Sulaiman Kasaran alyas Abu Jaid, Marwin Asan Kasaran alyas Hadjie, Derwin Asan Kasaran alyas Dikki, Halid Asan Kasaran alyas Nasirin Awwalin, Hadzmin Kuluman Kasaran alyas Ammin, Faisal Laudmin Kasaran alyas Issa at Ballie at Salman Najallon Kasaran alyas Sat at Mhanz.
Naisakatuparan ang pagsuko ng naturang mga dating miyembro ng Abu Sayyaf sa tulong na rin ng mga residente at lokal na pamahalaan ng Ungkaya Pukan.
By Ralph Obina