Naipasok na sa Enhanced Comprehensive Local Integration Program o ECLIP ang 7 miyembro ng New People’s Army o NPA at Militia ng Bayan para makapagbagong buhay.
Ito’y makaraang magbalik-loob sa gobyerno ang mga dating rebelde sa ilalim ng Guerilla Front16 C1 ng North Eastern Mindanao Regional Committee sa Surigao del Norte.
Kinilala ng Army’s 30th Infantry Battalion ang mga nagsisuko na sina alyas Jerson na vice squad leader ng grupo; alyas Daylan, political guide; alyas Gelai; alyas JimJim at alyas Robert.
Habang kinilala naman ang mga sumukong Militia ng Bayan member sa mga alyas na Remon at Bernie.
Kasamang isinuko ng mga ito ang ilang armas, bala, anti-personnel mine at electrical wire para gawing pampasabog. —ulat mula kay Jaymark Dagala (Patrol 9)