Sugatan ang pitong (7) miyembro ng Moro Islamic Liberation Front (MILF) matapos masabugan ng isang improvised explosive device (IED) sa Maguindanao.
Ayon kay Western Mindanao Command spokesman Major Arvin John Encinas, pinaghahanap ng 57th Infantry Battalion at MILF ang mga miyembro ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighter (BIFF) nang pasabugan ng IED.
Kasalukuyang nasa pagamutan at nilalapatan ng lunas ang sugatang MILF members.
Bukod sa sumabog na IED ay may mga nakuha pang apat (4) na bomba sa pinangyarihan ng pagsabog.