Pito na ang naitalang nasawi matapos na pasabugin ng ilang armadong lalaki ang isang tren sa Abuja, Nigeria.
Ayon sa mga pulis, hindi pa nakukumpirma ang bilang ng mga nawawala makaraang umatake ang mga rebelde at mamaril sa nasabing tren.
Samantala, hindi parin batid ng mga otoridad ang kabuuang bilang ng mga pasaherong sakay ng tren ngunit ayon sa lokal na media ay halos 1-K katao ang nakasakay dito. — sa panulat ni Mara Valle