Nailigtas ang pitong mangingisda na napaulat na nawawala sa karagatan sa Bolinao, Pangasinan.
Ayon sa ulat, pumalya ang makina ng bangka ng mga nasabing mangingisda nitong Miyerkules sa Silaqui Island.
Agad naman na gumawa ng hakbang ang Naval Forces Northern Luzon para magsagawa ng search and rescue operations matapos nilang matanggap ang ulat ng pagkawala ng mga mangingisda.
Sa layong 13 nautical miles ng nabanggit na isla natagpuan ang mga nawawalang manlalayag.—sa panulat ni Rex Espiritu