Pasok sa 800 World’s Best Employers List ng Forbes ang pitong kumpanya sa Pilipinas.
Kabilang dito ang; Jollibee Foods Corporation, San Miguel Food and Beverage, Ayala Corporation, SM Investments Corporation, Metrobank, Alliance Global Group at Aboitiz Equity Ventures.
Ang datos na ginamit sa tala ay mula sa boto ng halos 150,000 manggagawa sa higit 55 bansa.
Dito tinanong ang mga respondents na i-rate ang mga kumpanya batay sa iba’t ibang mga kadahilanan, kabilang ang imahe, tiwala, pagkakapantay-pantay ng kasarian, responsibilidad sa lipunan ng korporasyon, kultura at mga benepisyo.
Nanguna sa listahan ang South Korea’s Samsung Electronics na sinundan ng American technology firms na Microsoft, at ang American Multinational Technology Corporation na International Business Machines Corporation.