Libu-libo pang lumang pera ang hindi naibabalik sa mga bangko.
Ito ay sa kabila ng deadline kahapon ng Bangko Sentral na Pilipinas o BSP sa pagpapalit ng old peso bills.
Ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas, pitong (7) porsyento pa ng mga lumang perang papel ang nasa sirkulasyon.
Kabilang aniya sa mga hindi pa naibabalik sa mga bangko ang mga perang papel na may halagang limang piso at sampung piso.
Binigyang diin naman ni BSP Deputy Governor Diwa Gunigundo, sapat ang naibigay nilang panahon para mapapalitan ang mga lumang pera.
Simula ngayong araw ay mga salaping naimprenta mula 2010 o ang mga new generation currency na lamang ang tatanggapin habang ituturing naman nang ordinaryong papel o wala nang halaga ang mga lumang perang papel.
By Ralph Obina
7% ng mga lumang pera nasa sirkulasyon pa—BSP was last modified: July 1st, 2017 by DWIZ 882