Pinakakasuhan na ng Department of Justice o DOJ sa korte ang pitong opisyal ng Kapa Community Ministry International Incorporated.
Ito ay matapos na mapatunayang nagkaroon ang mga ito ng paglabag sa iba’t ibang probisyon ng Securities and Exchange Commission.
Sa rekomendasyon ng DOJ, kabilang sa pinasasampahan ng reklamong paglabag sa securities regulation code ang founder at president ng Kapa na si Joel Apolinario, trustee na si Margie Danao at corporate secretary na si Reyna Apolinario.
Dawit din sa kaso sina Marisol Dias, Adelfa Fernandico, Moises Mopia at Reniones Catibugan dahil sa pakikibahagi sa pagpo-promote at pagbenta ng mga securities at investment ng Kapa sa pamamagitan ng social media at video sharing technology.
Ayon sa DOJ prosecution panel, hindi kapani-paniwala ang argumento ng mga respondents na isang uri lamang ng religious donations ang iniinvest na pera ng kanilang miyembro lalo na’t nangangako silang maibabalik ang mga ito ng mas malaki pa. — ulat mula kay Bert Mozo (Patrol 3)