Pito sa kada sampung Pilipino ang kuntento sa uri ng demokrasyang umiiral sa bansa, 30 taon matapos ang EDSA People Power Revolution.
Ayon ito sa survey ng Social Weather Stations (SWS) na isinagawa mula December 5 hanggang 8, 2015 sa 1,200 respondents.
Nakasaad sa resulta ng survey na 58 porsyento ng mga Pilipino ang naniniwalang lulutang pa rin ang demokrasya sa anumang uri ng gobyerno samantalang 23 porsyento ang nagsabing hindi mahalaga ang kahit anong klase ng pamahalaan.
Bukod dito, 18 porsyento ng mga respondent ay naniniwalang mas uubra sa ilalim ng ilang pagkakataon ang diktadurya kaysa demokrasya.
Lumalabas din sa nasabing SWS survey na 76 na porsyento ng mga Pilipino ang kumporme sa paggana ng demokrasya sa bansa mula sa 77 porsyento noong June 2015.
By Judith Larino