Pito (7) pang katao ang patay habang sampu (10) ang sugatan sa nagpapatuloy na bakbakan ng Turkish at Syrian Armed Forces.
Nasawi ang mga biktima sa pagbagsak ng labintatlong (13) missiles sa mga government contolled-area sa kabisera na Damascus.
Pinaniniwalaang nagmula sa mga rebelde sa Eastern Ghouta ang mga missile at artillery shell.
Dumami ang missile attack sa Damascus kasabay ng pinaigting na kampanya ng gobyerno upang mabawi ang mga nalalabing lugar na kinubkob ng mga rebelde.
Samantala, patuloy ang paglikas ng daan-daang residente partikular ang mga syrian-Kurds sa Afrin, Syria bunsod ng patuloy na pambobomba ng Turkish Forces sa boundary ng dalawang bansa.
—-