Nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) ng pitong pagyanig sa Mayon Volcano.
Ayon sa Phivolcs, ang volcanic earthquakes ay dulot ng paggalaw o eruptions ng magma sa bulkan.
Bahagya ring nagbuga ang bulkan ng usok at sulfur dioxide.
Nananatili naman sa Alert Level 1 ang warning sa Mayon na sinasabing indikasyon na abnormal pa rin ang kondisyon ng bulkan.