Pauwi na ng Pilipinas ang pito pang Pinay na umano’y iligal na nagtatrabaho sa Syria.
Ayon sa Department of Foreign Affairs o DFA, inaasahang darating bukas ng hapon sa Maynila ang mga repatriates mula sa Damascus.
Nananatili naman sa Philippine Embassy doon ang 25 pang Pinay habang nauna nang na-repatriate ang labingtatlong iba pa.
Sinasabing ilan sa mga ito ay tumakas mula sa kanilang mga amo matapos umanong makaranas ng pangmamalupit at pang-aabuso.